Minsan ang buhay Samu't-sari ang kulay Ngunit minsan lumalamlam Pag dumidilim ang daan Hindi mo mabuksan Pinto sa kinabukasan Bulong ng alinlangan ay Baka wala kang dadatnan Lumingon ka lang sa kawalan At ako'y 'yong masusumpungan Mula paa tuhod balikat at ulo Ilalaan sa'yo Paa, tatakbuhin kita Tuhod, para sayo sa langit luluhod Ang balikat ko'y narito kung kailangan ay sandalan mo tandaan Na sa ulo palagi ka nitong laman Ang kinakatakutang Multo ng nakaraan ay Walang kapangyarihan Laban sa pagibig na satin ay gumagabay Kaya't humakbang nang muli Kahit na paunti-unti Ika'y aalalayan Ilaw sa'yong lalakaran Lumingon ka lang sa kawalan At ako'y 'yong masusumpungan Mula paa tuhod balikat at ulo Ilalaan sa'yo Paa, tatakbuhin kita Tuhod, para sayo sa langit luluhod Ang balikat ko'y narito kung kailangan ay sandalan mo tandaan Na sa ulo palagi ka nitong laman Sasabayan, sasamahan Hanggang ang puso'y mabuksan Sasabayan, sasamahan Hanggang ang puso'y mabuksan Oh Paa, tatakbuhin kita Tuhod, para sayo sa langit luluhod Ang balikat ko'y narito kung kailangan ay sandalan mo tandaan Na sa ulo palagi ka nitong laman Ohhh Dito sa puso ko, palaging may puwang