Somethin' isn't right with us I've been list'ning Paying attention You don't listen You've been giving You've been spending up Your time Out there lying Oh You're like novacane Novacane, novacane Parang may mali mahal, nanlalamig ka na mahal Habang tumatagal nararamdaman mo ay tinatangay ng hangin Anong kulang sabihin mo naman sa akin Kasi 'di ako sanay, may lamat na ba tayo Sana naman ay wala pero parang meron sa 'king palagay Madalang ko nalang nadarama ang haplos ng iyong kamay 'Di ako makatulog kasi panay ang kakaisip ko sayo't naghihintay Pinipilit ko pa ding magising kahit mata ay pumipikit na kasabay Ng mga bituing unti-unting liwanag ay namamatay Habang bumubuhos ang ulan isip ko'y naguguluhan Pwede ba akong lumapit sa'yong ulunan Gusto lang kitang mapagmasdan Kahit wag ka nang sumandal sa 'king bisig Hindi ko na marinig ang paborito nating himig Alam mo bang ikaw ang dahilan Kung bakit ko nagustuhan ang 'di ko hilig Tapos ngayon ikaw ang bibitaw sa aking piling Ang sakit... Dinadaya ko na lamang ang sarili Na walang nagbago at ganun pa rin tayo Pero bakit ganito nalang gabi-gabi Nasa iisang higaan lang pero parang hindi ko ramdam na magkatabi Aking tinitiis kahit parang nagpapanggap nalang tayo na matamis Ayaw kita na bitawan ako ay nanghihinayang sa pinagsamahan natin 'Wag kang umalis kasi 'di ko kaya Ayos lang sa akin na magpaubaya Kahit masakit na, kahit na mali na Dito ka lang kahit konting sandali pa Bigyan mo ng panahon Gawan ko ng paraan baka masama lang ang 'yong pakiramdam Inisip ko na ang lahat ng positibo 'Di ko maiwasang mawalan ng pag-asa Ayoko din namang manatili ka sa akin Kahit di ka na maligaya Magkukulong na naman ako sa kwarto pag ikaw ay aking pinalaya Susuko nako 'pag hindi ko na kinaya Bakit kakapitan ko ang taong matagal na akong binitawan Alas tres na ng umaga lahat ng sakit bumabalik sa 'king isipan Lalala lang ang mga bagay na hindi p'wede pag ito'y pinagpilitan Sana pala hindi ko na binigay ang lahat ng dapat sa sarili ko 'Pagka't walang natira, iniwan mong nag-iisa Kwento natin 'di ko alam ang pamagat Siguro nga paggising sa umaga ayos na ang lahat