Maglilinis ako ng aking kuwarto Na punong-puno ng galit at damit Mga bagay na hindi ko na kailangan Nakaraang hindi na pwedeng 'pagpaliban Ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh Mga liham ng nilihim kong pag-ibig At litrato ng kahapong maligalig Dahan-dahan kong inipon Ngunit ngayon, kailangan nang itapon 'Di ko na kayang mabuhay sa kahapon Kaya mula ngayon Mula ngayon May jacket mong nabubulok sa sulok Na inaalikabok na sa lungkot May panyong ilang ulit nang niluhaan Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan 'Di ko na kayang mabuhay sa kahapon Kaya mula ngayon Mula ngayon Mula ngayon Alaala ng lumuluhang kahapon Dahan-dahan ko na ring kinakahon Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya Lumabas ako ng kuwarto't naro'n s'ya Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto Magpapaalam na sa 'yo Magpapaalam na sa 'yo Magpapaalam na sa 'yo Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto