Mamang driver, matagal ko nang gustong sabihin Mamang driver, pinagpapalit mo ang red at green Sa stoplight na binabayaran ng aking buwis Para 'di na ako mainis, mainis sa daan Sandali lang, may paalala po ako Tandaan mo sa tuwing ika'y nagmamaneho 'Di ka naman hinahabol ng demonyo 'Di nasusunog ang pwet mo 'Wag magmadali Baka ang buhay ko'y mapadali Kung matuto tayong magbigayan Ay gagaan ang ating mga daan Minsan ay okay lang maging steady Dahil ang buhay ay 'di nadaan sa pagmamadali Sa pagmamadali ♪ Mamang driver, isipin mo na lang ang ibang tao Karamihan sa kanila ay pamilyado Hari ng harurot, hoy, wala ka sa karera Buhay nila'y nasa 'yong mga kamay 'Wag magmadali Baka ang buhay ko'y mamadali Kung matuto tayong magbigayan Ay gagaan ang ating mga daan Oh, minsan ay okay lang maging steady Dahil ang buhay ay 'di nadaan sa pagmamadali Sa pagmamadali Sa pagmamadali 'Di ka mauubusan ng daan 'Di naman sa daang-daang-daan Masyado nang maraming pusong nasasagasaan ♪ Kung matuto tayong magbigayan Ay gagaan ang ating mga daan, pare Minsan ay okay lang maging steady Dahil ang buhay ay 'di nadaan sa pagmamadali Sa pagmamadali Sa pagmamadali Sa pagmamadali Sa pagmamadali Sa pagmamadali