Alam ko namang nakakapagod At 'di lang ako ang nalulunod Sa pag-iisip, tayo'y naiipit Kasalanan bang ika'y mahalin? 'Di ko alam kung paano Bibitawan ang dalang takot Pa'no kung iwanan ko ang lahat Ta's iwanan mo lang rin ako? Paano ba magtitiwala? Pero no'ng nakita kita Nawala ang lahat Ng takot sa puso ko Naiintindihan ko na ngayon Kung bakit walang nagtagal Sa kahit na sinong minahal Lahat ng daan ko ay patungo pala sa 'yo Aking habang-buhay 'Di mo alam kung gaano mo Napakalma ang aking puso 'Di na kailangan pang mag-alinlangan Sa 'yo lang ako naging sigurado Sa paggising ko 'gang sa pagtulog Ang yakap mo ang 'sinasaulo Kahit ano pa ang dumating Dito lang ako sa 'yong tabi Nang dahil sa 'yo Nakahinga ang puso Kasi no'ng nakita kita Nawala ang lahat Ng takot sa puso ko Naiintindihan ko na ngayon Kung bakit walang nagtagal Sa kahit na sinong minahal Lahat ng daan ko ay patungo pala sa 'yo Aking habang-buhay 'Di ka man ang nauna Ikaw na ang huli Kasi nung nakita kita Nabura ang lahat Ng duda sa isip ko Naiintindihan ko na ngayon Kung bakit walang nagtagal Sa kahit na sinong sinugal Lahat ng daan ko ay patungo pala sa 'yo Aking habang-buhay