Una kitang nasilayan 'Di kita nakita, lumabas ng tingin Kung nagsasalita lang ang hangin 'Di nagdalawang-isip, agad ka sanang napansin Ooh, ooh-ooh, ooh-ooh, ooh Kita na kita, pasensiya, ngayon lamang Isang saglit lang bang tagpuan ang mababalikan? ♪ Sa isang iglap ay nabitawan Lahat ng kinatakutan nu'ng tumingin ka sa akin Pangalawang pagkakataon sana Pero 'di natin nakita, nanakawan nang saglit Ooh, ooh-ooh, ooh-ooh, ooh Kita na kita, pasensiya, ngayon lamang Isang saglit lang bang tagpuan ang mababalikan? Kung kailan nand'yan na, doon ka pa lumisan Isang saglit lang bang tagpuan ang mababalikan? Pangatlo, pangpito, pangsampung pagkakataon Ngunit 'sang saglit lang ang kinailangan ko Upang maintindihan, ikaw ang hinahanap ko Isa, dalawa, tatlo Kita na kita, pasensiya, ngayon lamang Isang saglit lang bang tagpuan ang mababalikan? Kahit wala ka na, ikaw pa rin ang hanap Isang saglit na habang-buhay ang mababalikan Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh Ooh, ooh-ooh-ooh