Ako ay uuwi na, walang mahanap na tula Hahatakin ng alon para bumalik sa 'yo Sadyang nakakapagod, lalamunan ko'y hinagod 'Wag mo nang hintaying maiwan ng araw Naliligaw tayo ng minsan, walang mahanap na daan Sundan mo lang ang mga tala, sakyan mo lang ang buwan Tingnan mo kung mayro'ng naiwan, mahirap kayang balikan? Dala ang mga bilin mo, binibitbit ko na Pauwi na ako, pauwi na ako Maghintay ka lang, marami pa akong kuwento sa 'yo Pauwi na ako, pauwi na ako 'Wag ka munang matutulog at yakapin mo ako ♪ Nakanino ba ang mga ticket ng bus? At naiinip na ako Mga dala ni Fronton, bagahe umaalon First time lang ni Jayjay 'to Tumawag na si Erwin, na-weirduhan si Juling iyakin Magpraktis daw kami sabi ni Toper Mauuna kaming sumalang, pito naging anim na lang Maghihintay nang matagalan, nasa'n na? Ayoko nang tumagal pa dito at pariyan na ako Dala ang pasalubong n'yo, matitikman n'yo na Pauwi na ako, pauwi na ako Maghintay ka lang, marami pa akong kuwento sa 'yo Pauwi na ako, pauwi na ako 'Wag ka munang matutulog at yakapin mo ako Pauwi na ako, pauwi na ako Maghintay ka lang, marami pa akong kuwento sa 'yo Pauwi na ako, pauwi na ako 'Wag ka munang matutulog 'Wag ka munang matutulog 'Wag ka munang matutulog at yakapin mo ako