Kishore Kumar Hits

Abra - Dedma lyrics

Artist: Abra

album: Dedma


Artifice

Bakit hindi ko maintindihan? (Ha), sino ba at nasaan? Ha
Ano siya anito, superhero, taga-rito ba o baka taga-buwan?
Ano ba 'yan, gawa-gawa lang ba ng tao o kabaliktaran tulad ni Adan?
'Yung totoo, 'di mo alam, ayaw makialam o wala ka lang pakialam?
Ang dami nang namamatay, pumapatay, nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
Mga bata'y nadadamay sa mga away, ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin
Puro pa giyera, dulot ng pera, nakakalungkot, ba't ka ba ubod ng dedma?
Punyeta, retreat sa kuweba, oras na ma-Sodom at Gomorrah 'tong buong planeta, teka
Kay rami nang tukso, nandyan at lalapit sa 'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan
Pa'no kung walang kabilang buhay? (Buhay), pa'no niyo kami matutubos? (Tubos)
Pa'no kung wala pa ring patunay? At 'yon ay kasi wala naman talagang Diyos
Na bwakaw magpasamba, kung ayaw mo daw, mananalanta
Pero gano'n pa rin naman kahit magdasal ka, tingnan mo Deuteronomio kung mapagmahal S'ya
Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya? Mukhang natakpan ng piring ang sistema
Mga pruweba ng primitibong siyensya, mahirap tanggapin na para ding penitensya, sentensya
Sa mga mapang-abuso, kontrolado utak kapag hawak ang puso, punto
Sa'n patungo ang relihiyon, sa katapusan ba ng mundo o sa Panginoon? Bakit gano'n?
Kay rami nang tukso, nandyan at lalapit sa 'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan, yeah
Minsan, 'di natin nababatid ang kamalian ng lahat
Na s'yang kay hirap tanggapin
At kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama
Ang tanong, bakit yata parang dedma 'yung iba?
Nasaan? Nasaan ang kaligtasan kapag naghiganti na si Inang Kalikasan?
Delubyo tapos tuhog-sunog, chicken inasal, halik ni kamatayan sa kabilang kabihasnan (yeah)
Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan, demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?
May kaluluwa po ba talaga 'yung katawan o kathang-isip lang ng mga takot sa kawalan?
Kailangan ko ng bendisyon, maliwanagan parang Thomas Edison
Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko, 'di ko kayo kinukuwestiyon, malayang desisyon
Kasi imposibleng inimbento ko lang, sino ang arkitekto? Sikreto na lang
Perpekto lahat pero tao disenyo pa lang, ang tanong, ba't ganon? 'Yan ang palaisipan
Kay rami nang tukso, nandyan at lalapit sa 'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan, ooh

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists