Dito ka lang sa yakap kong Kanlungan ng 'yong pagmamahal Ikaw ay sapat, halika't ipahinga Ang pusong pagod masaktan Ako ang libro na nagbunga Sa 'yong pag-aaruga Ang kuwentong ito ay panghabang-buhay Nakalaan na 'Wag kang matakot Dahil itong kabuuhan ko ay para sa 'yo Ikaw ang gustong makasama Kapag gumuho na ang mundo Bawat araw, bawat sandali Nananabik at ikaw ang sanhi Bawat hangad, bawat puntahin Ang mapa ay umaakay sa 'yo pa rin Ang buwan, sinangguni sa 'yo Sa kinang hanggang sa alindog Kung 'di ka handa magbukas ng pinto Uukit ng susing lalaya sa 'yo 'Wag kang matakot Dahil itong kabuuhan ko ay para sa 'yo Ikaw ang gustong makasama Kapag gumuho na ang mundo 'Wag kang matakot Dahil itong kabuuhan ko'y para sa 'yo Ikaw ang gustong makasama Kapag gumuho na ang mundo (Pa'no ba magmahal?) 'Wag kang matakot (Pa'no ba magmahal?) Sabay lang sa agos (Pa'no ba magmahal?) Hayaan ang puso (Pa'no ba magmahal?) Tapusin ang kuwento