Mas maraming maaani Kapag kakilala dumadami Ang puhunan mo'y ugali Tapos sila'y kusang maaakit Di ka rin masyadong mangangawit Pag ka may katulong lumagari Mas madami pang mabubuo Basta tama yung kain na mapasubo mo Sa pagbulusok mo Dadami ang kapit na sasalubong (oh) Mga tao na hangin, na tutulong kuhain, Itutulak kang langit, ikaw ang usok (oh) Mga taong kaya kang basahin Mga taong di ka babasagin Mga tao na para sa akin (akin) Nagdadagdag-patag nang lalakaran mo Nagaambag-lapad nang aapakan mo Nagaabot-palad na hahawakan mo Hanggang kalat-kalat na ang pangalan mo Ika'y kaya akong basahin Ika'y di ako babasagin Kaya ika'y nakalista sakin (sakin) Kung sino ang nasa isip yun ang laging balikan Oh tuwing nakakalimot ay muli mo lang tignan Kung sinong dulot ay ngisi yun ay wag mong palitan Alam mo yan, oh, alam mo naman Pwesto saking puso, mayron kang pinto Papasok kung nasan ang mga impok ko na ginto Isa kang nagdulot-ngisi kaya di papalitan Alam mo yan, oh, alam mo naman (Oh oh) pag nakuha ang kahon Ng datong papa-ambunan Ang mga nagalok Ng kamot(kamay) sa panahon na taglubog Pag tumubo ang buto Na hinulog sa balon May bunga ka doon Dahilan nga ay Kapag lagi 'kong tulog ay taga gising ka Pinapa-alalahanan pag walang gigil (ha!) Bumabatok sa akin pag tumitigil Ako na mangikil kung ano ang akin Maya't-maya ikaw ay nakasilip Kapag tinatamad ikaw na ang pumipilit Kaya kapag dumami ang nakinig sa hilig Ika'y makakatikim sa puno ko na hitik Sa prutas ng peras o Sa ubas na maiinom Katumbas ng oras na iyong ginugol Ang matatanggap mong abot Dahil ika'y kaya akong basahin Ika'y di ako babasagin Kaya ika'y nakalista sakin (sakin) Kung sino ang nasa isip yun ang laging balikan Oh tuwing nakakalimot ay muli mo lang tignan Kung sinong dulot ay ngisi yun ay wag mong palitan Alam mo yan, oh, alam mo naman Ika'y magipon (ng yeah) taong matino (uh yeah) Na papalibot (hmm yeah, sa iyo) Isa kang nagdulot-ngisi kaya di papalitan Alam mo yan, oh, alam mo naman Kung sino ang nasa isip yun ang laging balikan Oh tuwing nakakalimot ay muli mo lang tignan Kung sinong dulot ay ngisi yun ay wag mong palitan Alam mo yan, oh, alam mo naman