Daming bawal sa mundo pero dito lang ako Di mo nako mapipilit sa ayaw at gusto ko Ako ay isang lamang produkto ng paligid ko Wag sisihin kung bakit ako ganto, alam mo Alam mo, alam mo, alam mo, alam mo Alam mo, alam mo, alam mo, alam mo, alam mo, Yeah alam mo, yeah alam mo Nakatanaw sa aking bintana Nakangiti tila di alintana Mang mang na iisipan ay nagsilipana Sinulit gabi ang ganda ng tinama Pagkat' kasama aking pangkat Sa isipan babakat Musika aming angkat Utak ko parang aklat Ngunit hindi pa sapat Naramdaman kaluskos Hangin lamig sa akin humaplos Kabilang mundo pa ang tinagos Nakilala sarili pag tapos Inalam ko yung hangganan Inakyat bundok na hagdanan Nagiwan bakas sa daanan Nagsilbing gabay sa lalakaran Parang lahat sila nawawala Kahit na bawal hahanapin Lahat sila gusto kumawala Pero sila Yung kinakain Daming bawal sa mundo pero dito lang ako Di mo nako mapipilit sa ayaw at gusto ko Ako ay isang lamang produkto ng paligid ko Wag sisihin kung bakit ako ganto, alam mo Alam mo, alam mo alam mo, Binilang ang mga pabor Kaya di kasama sa bagong bapor Daming sakay nung gamit ko ay balangay Sagwan lang ang gamit walang de motor Sarili mong sikap para tumawid Sunguin ang dagat at himpapawid Hanggang saan ang palugid kahit ang panaho'y masungit Patuloy parin Sa pupuntahan at magpapalaot Gawang paraan kahit kapalara'y madamot Bago umalis, iwanan mo ang poot at hinagpis Salukin kung meron gamit ang batsa Patuloy tinahak kahit may badya Nakipag sabayan gamit lang bangka Di nila masira binuong dampa Saking pag uwi may dalang pasalubong Ikaw lang din at ikaw walang tutulong Ang mahalaga ikaw ang gumawa Puro ang turo hindi bilasa Saking pag uwi may dalang pasalubong Ikaw lang din at ikaw walang tutulong Ang mahalaga ikaw ang gumawa Puro ang turo hindi bilasa Daming bawal sa mundo pero dito lang ako Di mo nako mapipilit sa ayaw at gusto ko Ako ay isang lamang produkto ng paligid ko Wag sisihin kung bakit ako ganto, alam mo Alam mo, alam mo alam mo, alam mo Alam mo, alam mo, alam mo, alam mo, alam mo, yeah alam mo Yeah alam mo