Palad ay basang-basa Ang dagitab ay damang-dama Sa 'king kalamnang punong-puno Ng pananabik at ng kaba Lalim sa 'king bawat paghinga Nakatitig lamang sa iyo Naglakad ka ng dahan-dahan Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan Hahagkan na't 'di ka bibitawan Wala na 'kong mahihiling pa Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw 'Di maikukumpara Araw-araw 'kong dala-dala paboritong Panalangin ko'y makasama ka sa pagtanda Ang hiling sa Diyos na may gawa Apelyido ko'y maging iyo Naglalakad ka ng dahan-dahan Sa pasilyo tungo sa 'kin at hinawakan Mo ako't aking 'di napigilang Maluha nang mayakap na Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw) Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw) Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw) Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw) Palad ay basang-basa Ang dagitab ay damang-dama Sa 'king kalamnang punong-puno 'Di maikukumpara Araw-araw 'kong dala-dala paboritong Panalangin ko'y ikaw