Kishore Kumar Hits

Shirebound & Busking - Bulan lyrics

Artist: Shirebound & Busking

album: For Princesses, By Thieves (O Mga Awit ng Hiraya Para sa Guni-guning Sinta)


Singliwanag ng umaga
No'ng muli kitang makita
Tayo ba ay nagkasalisi
O ikaw ba ay nagkukubli?
Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan
Ikaw ba ay nagtatampo
T'wing panganod ay nagtatampo
Bukas ng gabi, lalabas muli
Baka sakaling tanglaw mo'y dadampi
Oh, Bulan

Ika'y inaawitan

Nagtatapang-tapangan dahil ika'y wala
Mayro'n bang patutunguhan ang pagtingala?

Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh
Ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh
Ooh-ooh
Oh, Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan

Nagtatapang-tapangan sa kabila ng pangamba
Mayro'n bang hantungan ang pag-iisa?

Oh, Bulan
Ako ba'y iyong iniwan?

Gabi-gabing sa langit ay nakatingala
Nag-aabang ang awit, didinig ay wala
Dilim ay tumatangis, dinaramdam ay labis
Antok nilalabanan, hinihintay ay nasa'n?

Ngayong nand'yan ka na
'Wag nang lumisan pa
Bulan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists