Ang mundong ito'y, hindi bagay sayo Sa ngiti mo palang, magugunaw na ito Barado ang isip, pinuno ka pa ng galit Tawanan mo na lang, tatamis din a pait Kung napapansin mong natutulog pa ang araw Hayaan mo na lang darating din ang buwan Iihip ang hangin, dala ang iyong halik May kasama pa yang, nahuhulog na bituin Hmmm,hmmm,hmmm,hmm Ibaling mo sa akin, lahat ng iyong inis Sabunutan mo pa ang kulot kong mundo Sa bawat mali, bibigyan kita ng tama Umasa kang di ako mawawala Bukas sumilip ka, silipin natin ang nakaraan Mga sugat na naging tanong Balang araw ay magiging sagot Ang mundong ito'y hindi bagay sayo Sa ngiti mo pa lang magugunaw na ito