Kishore Kumar Hits

Shirebound & Busking - Dalum at Hibas - Bulan lyrics

Artist: Shirebound & Busking

album: Dalum at Hibas


'Sing liwanag ng umaga
Noong huli kitang nakita
Tayo ba ay nagkasalisi
O ikaw ba ay nagkukubli
O, Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan
Ikaw ba ay nagtatampo
Tuwing panganod ay nagtatagpo
Bukas ng gabi, lalabas muli
Bakasakaling tanglaw mo'y dadampi
O, Bulan
Ika'y inaawitan
Nagtatapang-tapangan dahil ikay' wala
Mayroon bang patutunguhan ang pagtingala
O, Bulan
Matagal-tagal ka nag hindi nasisilayan
Nagtatapang-tapangan sa kabila ng pangamba
Mayroon bang hantungan sa pag-iisa
O, Bulan
Ako ba'y iyong iniwan?
Gabi-gabing sa langit ay nakatingala
Nag-aabang ang awit didinig ay wala
Dilim ay tumatangis
Dinaramdam ay labis
Antok nilalabanan
Hinihintay ay nasaan?
Bulan
Ngayong andiyan ka na
Huwag nang lumisan pa
Bulan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists