Kishore Kumar Hits

Shirebound & Busking - Dalum at Hibas - Mula sa Pantalan lyrics

Artist: Shirebound & Busking

album: Dalum at Hibas


Umaagos pababa mula bundok hanggang dagat
Sandaan at labingwalong elementong mula sa apat
Kung susunugin ang lupa, ang tubig,
Ang hangin ay 'di na muli pang matitikman natin
Gulong ng alon ang tatangay sa mga maaaring pangarapin
Alam kong bilog ang mundo
Pero mula rito
Ay tila Kwadrado at heto ang dulo
Mula sa kinalalagyan ko
Ang punlang hawak sa kamay ngayon
Ang siyang aakyatin pagdating ng panahon
Galawang baryawan, gubat na bakawan, at bahurang kinikilalang tahanan
Ay kapitbahay lamang ng kapatagan at ng lahat ng mga nasisikatan
Alam kong bilog ang mundo
Pero mula rito
Tila Kwadrado at heto ang dulo
Mula sa kinalalagyan ko
Mula sa kinalalagyan ko
Mula sa kinalalagyan ko
Alam kong bilog ang mundo
Pero mula rito
Tila Kwadrado at heto ang dulo
Alam kong bilog ang mundo
At ang lahat ay konektado
Ang lupa, ang laot, ang langit, at tao
Mula sa kinalalagyan ko
Mula sa kinalalagyan ko
Mula sa kinalalagyan ko
Mula sa kinalalagyan ko
Mula sa kinalalagyan ko
Mula sa kinalalagyan ko

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists