Napakaraming huwad na katotohanan
Ang nilalako diyan sa kanto, oh-oh
Kaliwa't kanang mga kasinungalingan
Kawawa naman ang bayan ko, oh-oh
Kailangang labanan hangga't hindi pa huli ang lahat
Ang karangalang maging isang Pilipino ay maglaho
Ang 'yong katapatan, 'di ba dapat para sa Inang Bayan?
'Wag sana natin siyang talikuran
Nakalimutan mo na ba?
Pilipino ka, Pilipino ka, Pilipino ka
Matatag ang paninindigan, iniibig ang Perlas ng Silangan
Pilipino ka, Pilipino ka, Pilipino ka
At ako, taas-noo
Wala akong ibang hinihiling (wala kang ibang hinihiling)
At wala ka ring ibang pinapangarap (at wala ka ring ibang pinapangarap)
Wala rin naman talaga tayong pinagkaiba
Ang tanging inaasam lang natin, pag-ibig
Samot-saring huwad na mga pangako
Ang nilalako diyan sa kanto, whoa-oh
Kung ang panalo, gamit ay panloloko
Talo tayong lahat, oh, Diyos ko (oh, Diyos ko), oh-oh
Kailangang labanan hangga't hindi pa huli ang lahat
Ang kalayaan ngayon, isang iglap lang ay maglaho
Ang 'yong katapatan, 'di ba dapat para sa Inang Bayan?
'Wag sana natin siyang talikuran
Nakalimutan mo na ba?
Pilipino ka, Pilipino ka, Pilipino ka
Makatao, maka-Diyos, makabayan, ipaglalaban ang lupang tinubuan
Pilipino ka, Pilipino ka, Pilipino ka
At ako, taas-noo
Pilipino, tayo, Pilipino tayo
Pilipino, tayo, Pilipino tayo
Pilipino
♪
Pilipino, tayo, Pilipino tayo
Pilipino, tayo, Pilipino tayo
Pilipino, tayo, Pilipino tayo
Pilipino, tayo, Pilipino tayo (Pilipino ka at ako)
Pilipino, tayo, Pilipino tayo (makatao, maka-Diyos)
Pilipino, tayo, Pilipino tayo (makabayan, ipaglalaban ang lupang tinubuan)
Pilipino, tayo, Pilipino tayo (makatao, maka-Diyos)
Pilipino, tayo, Pilipino tayo (makabayan, ipaglalaban ang lupang tinubuan)
(Pilipino, tayo, Pilipino tayo) Pilipino tayo
(Pilipino, tayo, Pilipino tayo)
Pilipino, Pilipino, Pilipino, Pilipino, Pilipino
Поcмотреть все песни артиста