Kishore Kumar Hits

Johnoy Danao - Walang Hanggan lyrics

Artist: Johnoy Danao

album: Salubungan


Naiiyak sa tuwa
Lumilipad sa lupa
Pumayag kang tayo'y magpakasal
Wala akong pangakong mabibitawan sa iyo
Alam ko nang di ako bibitaw
Handa ka na ba
Makita 'tong pagmumuka ko gabi-gabi
Hanggang sa 'yong paggising
Halika tayo'y matuto kung paano lalago ang pag-ibig nating
Patungo sa walang hanggan
Ipagdasal nating tayo'y mabiyayaan ng supling
Kahit ano pa mang kasarian
Matamis na oo ang iyong sagot
Mula ngayon sagot kita
'Wag kang mabahala, ako'ng bahala
Lumuluhang nakangiti
Naglalakad sa ulap
'Di makapag-antay na simulan
Handa ka na bang idugtong ang apelyido ko sa pangalan mo
Ok lang kung ayaw mo
Halika tayo'y matuto kung paano lalago ang pag-ibig nating
Patungo sa walang hanggan
Ipagdasal nating tayo'y mabiyayaan ng supling
Kahit ano pa mang kasarian
At kung tayo'y walang-wala
Daanin natin sa tawa
Tayo'y pinoy magaling tayo dyan
Walang atrasan
Walang hadlang
Walang pagpapanggap
Oh walang hanggan
Walang pagsisisi
Walang itatago
Walang iba
Oh wala, walang hanggan
Walang kapantay
Walang pagdududa
Walang kokontra
Oh wala, walang hanggan
Walang wakas

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists