Kishore Kumar Hits

Johnoy Danao - Malayang Bilanggo lyrics

Artist: Johnoy Danao

album: Samu't-Sari


Ano ba ang aking kasalanan?
Ba't ako nandito't ika'y nariyan?
Hinahanap-hanap ko ang kislap ng 'yong mata
Ang mga yakap mong nagsasabing
"'Wag kang mag-alala"
Ano ba ang kailangan kong gawin?
Ako'y nagkulang, aking tatanggapin
Ang lagi kong dalangin
May araw ding darating
Ika'y makapiling kahit sandali
Palayain ang sarili
Sa gapos ng 'yong pangamba
Sa huli ang pagsisisi
Paliparin ang 'yong nadarama
Humakbang ka sa liwanag
Mula sa dilim ng 'yong lihim
Ikaw ba'y isang malayang bilanggo?

Paano maipapaliwanag
Ang pagliban sa mga taong nagdaan?
Sana'y maunawaan mo
Ang tunay na dahilan
Patawarin mo kaya ako?
Palayain ang sarili
Sa gapos ng 'yong pangamba
Sa huli ang pagsisisi
Paliparin ang 'yong nadarama
Humakbang ka sa liwanag
Mula sa dilim ng 'yong lihim
Ikaw ba'y isang malayang bilanggo?

Palayain ang sarili
Sa boses ng pag-iisa
Hindi ka magsisisi
Imulat ang pinid mong mga mata
Ang mukha ng katotohanan
Harap-harapan mong harapin
Ikaw ba'y isang malayang bilanggo?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists