Alalahanin ang mga pangako Na aalagaan kita 'Di ko babawiin ang iyong binilin "Anak, ayokong mapag-isa" Kung maglaho ang mga alaala 'Di kita ipapahiya Alalahanin ang iyong hangarin Na hindi ako bibitaw At mananatiling nakakapit sa 'tin Hindi ko sasayangin ito Dadalhin ang ating mga pinangarap Mapapagmalaki na kita 'Pag nanghina ang iyong katawan Aalayan ka sa bawat hakbang Kung paulit-ulit mang magtanong Sasabihin ang sagot pabulong Alalahanin ang pinag-usapan Na tibayan, aking loob 'Di kakalimutan ang iyong sinabi "Anak, ayokong mauna ka" Sa kinabukasan, may panghahawakan Hindi ka mababalewala 'Pag nanghina ang iyong katawan Aalayan ka sa bawat hakbang Kung paulit-ulit mang magtanong Sasabihin ang sagot pabulong At pagsapit ng iyong pagtanda Gagawan kita ng bahay mo na Dati mo pa na 'pinagdarasal Habang-buhay kang ipaparangal ♪ Kahit saan, 'di kita iiwan Walang makakapantay sa 'yong mga binigay ♪ 'Di kita iiwan Walang makakapantay sa 'yong mga binigay