Sa ilalim ng bituin Sa liwanag ng buwan Sa may 'di kalayuan ay Ikaw ang siyang tanaw Kung mangusap ang mata At itulak ng paa Matutukoy ba kung dibdib ko Ay kakaba-kabang magsabi Ng nararamdaman Sa'ng lupalop nagmula Pangungulilang 'di naman sinadya Sa pag-agaw ng dilim Lalong sumilay ang iyong talinghaga Sana naman ay palaring makadaupang palad ka At maisayaw sa lilim ng puno ng akasya Lahat ng aking nabuong pangungusap Sa'yo napupunta Hindi na isusulat ang 'di maipinta Huwag, ang sabi ng iba Iba ang nakikita ko sa'yong mata Huwag, paluluhain ka Bakit pag-ibig ang hatid mo sa tuwina Minsan pa'y paikutin habang hawak ang kamay Maglalayag sa ilalim, o ngiti mo ang gabay Ituring mong panaginip, walang kontekstong kasabay Alam ko lang sumapit ang hinihintay Hawak-hawak mo ang balikat ko Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo Sa ilalim ng mga bituin Ay kinang ng iyong mata sa akin Sinta, sinta Para bang suntok sa buwan Kung bukas, 'kaw pa rin ay nandiyan Pagkatapos ng gabi, tuluyan mo nang makakalimutan Kaya naman susulitin bago muling mapag-isa Uulit-ulitin hanggang sa makabisa Mga salita'y iipunin at nang mahanap ang tugma't Hindi mo namalayang tayo ang paksa Hawak-hawak mo ang balikat ko Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo Sa ilalim ng mga bituin Ay kinang ng iyong mata sa akin Sinta, sinta Kamay sa balikat ko Haplos sa baywang mo Atin lamang gabing ito Kamay sa balikat ko Haplos sa baywang mo Atin lamang, atin lamang Atin lamang, atin lamang Hawak-hawak mo ang balikat ko (Mahal, iyong damhin ang lamig) Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo (Ng hanging 'di na magbabalik) Sa ilalim ng mga bituin (Mahal, iyong damhin ang lamig) Ay kinang ng iyong mata sa akin (Ng hanging 'di na magbabalik) Hawak-hawak mo ang balikat ko (Mahal, iyong damhin ang lamig) Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo (Ng hanging 'di na magbabalik) Sa ilalim ng mga bituin (Mahal, iyong damhin ang lamig) Ay kinang ng iyong mata sa akin (Ng hanging 'di na magbabalik) Sinta, sinta