Ang pag-ibig, sabi ng ilan Mararamdaman sa oras na hindi mo malalaman Kung tamaan at 'di ka pa handa Ay gabi-gabing nakatulala't nakatingala Sa mga bituin Ano't lumulukso itong aking damdamin? Hanap ko siya Biglang paborito kong lugar ay ang tabi niya Maglalayag na ang pag-ibig Sa daungan ng mga inibig Nais kong malaman, hanggang kailan iibigin? Sana hanggang ang mundo ay mapasa'tin Ang pag-ibig, sabi ng mga matatanda Sobrang lawak, 'di namamalayang nandiyan na Ang pag-ibig, ayon sa alamat ng may akda Ay nalalaman sa pag-usad ng daong kung tunay ngang Hindi mabigat Pagsuyo ang mananaig Kasama ko siya Sa panahon ng bagyo at ng mga kilig Maglalayag na ang pag-ibig Sa daungan ng mga inibig Nais kong malaman, hanggang kailan iibigin? Sana hanggang ang mundo ay mapasa'tin Maglalayag na ang pag-ibig Sa daungan ng mga inibig Nais kong malaman, hanggang kailan iibigin? Sana hanggang ang mundo ay mapasa'tin Sana hanggang ang mundo ay mapasa'tin Nang ang umiibig ay mangyaring ibigin