Magkatabi, malamig at magkahawak ang kamay Nasa ilalim ng kalawakan, nasa ulap ang lagay Kailan kaya, kailan kaya masisilayan ang mukhang Tuyo na ang mga matang muntikang malunod sa sigwa? Nasa'n ka na? Kailan mo ba bibigyang-kulay ang mundo? Hinihintay tayo ng buwan, tanging ikaw lang at ako Nais subukan, ayaw maulit, oras iikot pabalik Maitatama pa ba, dating pasiya sa panaginip? Sana ay naririnig Na handa akong maghintay At hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin 'Di mo kasalanang 'di ako At kung magbago'ng isip, 'wag mahiyang sabihin Baka sakaling makalimutang mag-isa Halika na, dadalhin ka sa gitna ng kagubatan Saksi ang bawat alitaptap, mamahalin ka nang lubusan Malay ko ba, malay mo ba kung tayo'y sa isa't isa Ang mahalaga, nandito ka, kaya sinta 'Di naman naiinip Kung ikaw rin lang ang hinihintay Dahil hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin 'Di mo kasalanang 'di ako At kung magbago'ng isip, 'wag mahiyang sabihin Baka sakaling makalimutang mag-isa Dahil hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin 'Di mo kasalanang 'di ako At kung magbago'ng ihip ng hangin ay sabihin 'Di namalayang tumitibok pala ♪ Hanggang kailan mananatili sa labas ng pintuan? Bumubuhos ang ulan, naghihintay na pagbuksan Kailan kaya, kailan kaya, kailan kaya masisilayan? Para naman makalimutang mag-isa