Hindi mo ba napapansin? Kanina pa ako nakatingin Sa 'yong kamay, oh, binibini Naghihintay at nasasabik Sa hindi maunawaang dahilan, oh Nagsasayawan, nagkakantahan Umiindak ang buong kapaligiran nating dal'wa Sumasabay sa tugtog ng pag-ibig Kahit abutin pa tayo ng ika-70 anibersaryo Ikaw pa rin, sa 'yo pa rin titingin ang aking mata Hindi naman sa ambisyoso Pero sa 'yo natupad lahat ng pangarap ko Bumubuo ng alaala Habang tumatagal, mas lalo kong nadarama Ang tumibay pa lalong dahilan, oh (dahilan ng pag-ibig na galing sa) Tayo pala ang itinadhana Umiindak ang buong kapaligiran nating dal'wa Sumasabay sa tugtog ng pag-ibig Kahit abutin pa tayo ng ika-70 anibersaryo Ikaw pa rin, sa 'yo pa rin titingin ang aking mata (Sumabay lang sa agos ng damdamin natin) Umiindak sa tuwa (sa tawa), sa galak (sa galak), sa ligaya Kahit abutin pa tayo ng ika-70 anibersaryo Ikaw pa rin, sa 'yo pa rin titingin Umiindak ang buong kapaligiran nating dal'wa Sumasabay sa tugtog ng pag-ibig (sumabay sa tugtog ng pag-ibig) Kahit abutin pa tayo ng ika-70 anibersaryo Ikaw pa rin (ikaw pa rin), sa 'yo pa rin (sa 'yo pa rin) titingin (ang aking mata) Umiindak ang buong kapaligiran nating dal'wa Sumasabay sa tugtog ng pag-ibig (umiindak) Kahit habulin na natin ang ating huling mga hininga Ikaw pa rin (ikaw pa rin), sa 'yo pa rin (sa 'yo pa rin) titingin ang aking mata