Kung maging kuto ako Mamahalin kaya? At hahanap-hanapin ba Kung maging hangin ako bigla? At kung magkataon man na pareho tayong dalawang Paruparong lumilipad, malaya Ewan ko lang kung may sapat na panahon ka pa Para talakayin ang sagot sa mga "paano kung" na nagmula Sa ibang sansinukob na salungat sa tibok ng puso nating dal'wa Sana'y 'di ka magsawa sa paulit-ulit na pagbungad ko sa umaga Aminin mong masaya, sana'y laging kasama Sa hirap at sa... ♪ Kung maging libag ba ako Magiging bimpo ka? Para bagay pa rin kahit ano'ng mangyari Alam mong babalik pa At kung magkataon man na pareho tayong dalawang Paruparong lumilipad, malaya Ewan ko lang kung may sapat na panahon ka pa Para talakayin ang sagot sa mga "paano kung" na nagmula Sa ibang sansinukob na salungat sa tibok ng puso nating dal'wa Sana'y 'di ka magsawa sa paulit-ulit na pagbungad ko sa umaga Aminin mong masaya, sana'y laging kasama Sa hirap at sa ginhawa, oh ♪ Na-na-na, na-na, na-na Sa ibang sansinukob, sa ibang daigdig kung saan ay akin ka Wala nang hahanapin pa, ako'ng maglalagay ng bulaklak sa 'yong tenga Kay gaan mong pagmasdan at makasama ka Sa hirap at sa...