Dama, lumalalim ang gabi Magsasabi ka kung 'di mo na kinakaya Dama, nararamdaman kita Manhid na'ng mga mata sa gabi-gabing pagbisita ng kalungkutan Paniwalaan mo ang 'yong sarili Kaya mo na magningning sa gitna ng dilim ♪ Dama de Noche ang ngalan mo Nagliliwanag sa humihimbing na mundo Uusbong ang 'yong talulot, 'di malulugmok Ikaw si Dama de Noche sa masalimuot mong takbo ♪ Dama, masdan mo'ng iyong ganda Hinahawi ang lamig at pait ng problema Ang halimuyak mong hatid sa akin Ang siya kong aninag sa gitna ng dilim (Oh, la, la, la, la) Dama de Noche ang ngalan mo Nagliliwanag sa humihimbing na mundo Uusbong ang 'yong talulot, 'di malulugmok Ikaw si Dama de Noche sa masalimuot mong takbo Ikaw si Dama de Noche sa masalimuot mong takbo Dama de Noche ang ngalan mo