Kishore Kumar Hits

BLASTER - NARARARARAMDAMAN lyrics

Artist: BLASTER

album: MY KOSMIK ISLAND DISK


'Di na kayang pagtakpan ang nararararamdaman
'Di na makapag-antay ang langit, ang mga anghel ay umaawit
Paruparo sa aking tiyan, nagtatagal nang milyong buwan
Sana'y hintayin pa 'ko ng langit, 'ko'y tumatanda na't pumapangit
Akala ko, malayo pa'ng bukas

Para bang suntok sa buwan na gusto kong mabalikan
Ang nakaraang puno ng sabit, ulit-ulit lang nanunumbalik
Kung pwede lang palakpakan ang hari ng kapalpakan
Sana'y tinuloy na ang pag-awit at namuhay na wala nang galit
Sana ay madami pa'ng bukas

Akala ko, malayo pa'ng bukas
Malay mo, sa atin ang bukas
'Di na 'ko masasaktan sa titig na walang laman
Sana'y liparin ako ng hangin, babalik na lang kung sa'n nanggaling
Kunin mo ang puso ko, gawin mo ang iyong gusto
Kahit na ano pa ang mangyari, kita ko pa rin ang bahaghari
Malay mo, sa atin ang bukas
Malay mo, sa atin ang bukas
Malay mo, sa atin ang bukas
Malay mo, sa atin ang bukas
Malay mo, sa atin ang bukas
Malay mo, sa atin ang bukas

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists