Kishore Kumar Hits

The Knobs - Walang Kapantay/Liwanag/Wala Na/Paglisan Mash Up lyrics

Artist: The Knobs

album: Walang Kapantay/Liwanag/Wala Na/Paglisan Mash Up


At sa gabing ito ay aking matutunghayan
Ang iyong kagandahan
Oh, kay ganda ng iyong mga labi
Oh, kay ganda ng iyong mga ngiti
Hindi kumukupas ang iyong kagandahan
Na kahit sinuman ay walang makakapantay
Hmm, wala kang kapantay
Hmm, wala kang kapantay

Hindi ko matanggap ('di ko matanggap)
Na nagbago ang lahat (nagbago ang lahat)
Hindi ko matanggap ('di ko matanggap)
Na nagbago ang lahat
Kumapit ka sa 'kin
Kumapit ka sa akin
Hindi na mapigilan ang pagmamahal sa 'yo
Pero nang mawalay ka'y bigla lang naglaho
Kumapit ka sa 'kin (bigla lang naglaho)
Kumapit ka sa akin (bigla lang naglaho)
Hindi na mapigilan ang pagmamahal sa 'yo
Pero nang mawalay ka'y bigla lang naglaho
Ang iyong liwanag sa mata
Na nagbigay ng kulay sa mundo

Akala ko no'ng una, wala ka nang iba
Bakit 'pag nakikita ka'y wala ang sigla?
Akala ko no'ng una ay tayo lang dalawa
Ang magkasama sa pag-ibig mong walang hanggan
Ngunit no'ng ika'y lapitan, ako'y tinamaan
Ng takot at kaba sa 'king nararamdaman
Ako'y naniniwalang wala nang iba
Ngunit kapag kausap ka'y wala ang saya
Sa 'yo'y naniwala, buhay kong akala ko ay
Magiging masaya 'pag kasama kita
Pilit nagtiwala kahit na wala na
Sa aking isip na ako'y nababalewala

Bakit nga ba lumabo
Ang pag-ibig natin na binuo?
Hindi ko namamalayan
Na ako lang pala ang lumalaban
Hindi mo man sabihin
Alam kong may pagkukulang din ako
Oh, ba't sinabi mo sa akin
Hahanapin mo ang 'yong sarili?
Ngunit hindi sapat ang dahilan
Para lamang ako'y 'yong iwan
Bakit ka ganyan? Binigay naman lahat
Bigla mong iniwan ang pusong sabik magmahal
Oh, ba't ganyan? Ginawa naman lahat
At hindi malaman ang dahilan
Pilit kang kinakalimutan
Ewan ko ba, bakit 'di maalis sa isipan
Ang iyong pangakong hindi ka bibitaw
Bakit ka ganyan? Binigay naman lahat
Bigla mong iniwan ang pusong sabik magmahal
Oh, ba't ganyan? Ginawa naman lahat
At hindi malaman ang dahilan ng 'yong paglisan
Binigay naman lahat
Bigla mong iniwan ang pusong sabik magmahal
Oh, ba't ganyan? Ginawa naman lahat
At hindi malaman ang dahilan ng 'yong paglisan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists