Panalangin ko sana'y umulan ng malakas Gripo'y walang tulo dahil sa El Niño Panalangin ko sana'y umulan ng malakas Kahit na bumagyo, matutuwa ako Panalangin ko sana'y umulan ng malakas Maliligo ako kahit isang linggo Ulan na Kasabihan ng mga matatanda Nalilito na raw ang Diyos dahil sa kakulitan ng tao 'Pag hindi umulan gusto'y umulan Pero kapag umulan naman, puro dakdak, puro angal Kagaya ng nangyari sa akin sa Monumento Nag-aabang ng jeep papunta sa bahay ninyo Bigla na lang bumuhos ang isang bagyo Traffic at baha ang kalaban ko, Diyos ko Panalangin ko ngayon, ulan tumigil ka Paano na ako? Basang-basa na ako Panalangin ko sana ang ulan tumigil na Pati ang bahay ko, puro tulo hanggang banyo Tigil na ♪ Panalangin ko sana'y kung uulan ay konti lang Kahit walang tubig, magtatiyaga na ako Panalangin ko sana kung uulan ng malakas Sana 'wag naman dito, doon sa Saudi ay ibuhos niyo