Alam kong may mahal ka nang iba Ngunit, bakit ikaw pa rin, sinta Ang laging nasa isip, laging naaalala Gayong hindi ka na malaya pa? Naaamoy pa rin ang 'yong bango Noon, kapag ikaw ang yakap ko Kay hirap na dayain ang puso at damdamin Kailan kita muling maaangkin? Ba't nahayaan ka at pinaluha pa? Ba't 'di ko naisip na ang kailangan ko'y ikaw pala? Maling-mali ako sa nagawa sa 'yo Sana ay marinig ang pagsamo at pagsisisi ng katulad ko Naaamoy pa rin ang 'yong bango Noon, kapag ikaw ang yakap ko Kay hirap na dayain ang puso at damdamin Kailan kita muling maaangkin? Ba't nahayaan ka at pinaluha pa? Ba't 'di ko naisip na ang kailangan ko'y ikaw pala? Maling-mali ako sa nagawa sa 'yo Sana ay marinig ang pagsamo at pagsisisi ng katulad ko Ngayong wala ka na, bakit laging hanap kita? Patuloy na sa 'yo'y umaasa Mababalik pa ba init ng dating pagsinta Ngayong ikaw ay mayro'n nang iba? Ooh Ba't nahayaan ka at pinaluha pa? Ba't 'di ko naisip na ang kailangan ko'y ikaw pala? Maling-mali ako sa nagawa sa 'yo Sana ay marinig ang pagsamo at pagsisisi ng katulad ko