May liwanag kung mayrong dilim May sagot kung may katanungan May hangganan nga ba ang isip' Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon Hindi hayop, hindi tao ngunit mayrong ulo Kadalasang kasama ay mga karpintero At kung ito'y ililibing sa kahoy o bato Kailangang pukpukin martilyo Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon Hindi hayop, hindi tao mayrong buto't balat Mahaba ang bituka at ito'y lumilipad Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad Asahan mong ito ay sasadsad Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon May dila nga ngunit ayaw namang magsalita Kambal sila't laging kasama ang isa't isa Itali o igapos kahit higpitan mo pa Tiyak silang sa iyo ay sasama Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon Mayrong araw, mayrong buwan hindi naman langit Mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi Wakas niya ay ipinagbubunyi May liwanag kung mayrong dilim May sagot kung may katanungan May hangganan nga ba ang isip' Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon Bugtong-bugtong subukin kung ito'y matutugon