Kishore Kumar Hits

Imelda Papin - Hindi Ako Laruan lyrics

Artist: Imelda Papin

album: Nag-Iisang Imelda


Hindi ako isang laruan
Na kung ayaw mo na'y iyong papalitan
Matapos angkinin pag-ibig ko't dangal
Iniwan mo akong may dusa't luhaan
Pangako mo'y walang natupad
'Pagkat pag-ibig mo pala sa aki'y huwad
Bigo ang puso ko sa 'yo'y naghahangad
O kay sakit naman sinapit n'yaring palad
Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako'y may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin ako puso'y nasusugatan

Batid ng lahat na kita ay mahal
Kaya't naibigay sa iyo ang puso ko't dangal
Akala ko noon pag-ibig mo'y tunay
Kunwari lang pala ang 'yong pagmamahal
Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako'y may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin ako puso'y nasusugatan
Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako'y may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin ako puso'y nasusugatan
Ako'y may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin ako puso'y nasusugatan...

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists