Ginawa ng Panginoon ang langit at lupa Mga hangin, dagat, ilog at mga sapa Mga kahoy, halaman, at damong sariwa Sari-saring hayop at ibon na maging alaga Sa pangpitong araw, nang Siya'y namahinga Kay ganda ng mundo na Kanyang nakita Ngunit kailangang may taong mangasiwa Kaya Niya nilalang si Adan at Eba Si Adan at Eba'y masayang nagsasama Sa mundong paraiso'y sila lang dalawa Ngunit 'di naglaon, sila'y nagkasala Kinain ang mansanas na ipinagbawal sa kanila Na ipinagbawal sa kanila At d'yan nagsimula ang kaparusahan D'yan nagsimula ang kaparusahan Tinaboy ng Panginoon si Eba at Adan At binigyan ng damdaming may takot at kahihiyan Binigyan ng damdaming may takot at kahihiyan Sila'y namumuhay sa mundo ng kahirapan Sila'y nagkaanak ng dalawang lalaki Nag-asawa si Cain at hanggang dumami 'Yan ang tanong kung saan siya kumuha ng babae Ang tanging Bibliya lamang ang makapagsasabi Mga lahi ni Cain, may masasamang klase Magnanakaw, tulisan, bombastar at mang-aapi Nagalit ang Panginoon sa ubod ng dumi Nilubog ang mundo, ang tinira ay si Noe Si Noe at ang kanyang angkan ay mababait Sila'y maka-Diyos kaya niligtas ng langit Ang bilin ng Panginoon, sila'y magpakabait Ang paglubog ng mundo'y 'di na mauulit Ay 'di na mauulit At dumating si Kristo't tayo'y tinubos Niya Dumating si Kristo't tayo'y tinubos Niya Nang tayo'y mailigtas sa pagkakasala At itinuro sa 'tin ang lahat ng landas Niya Nang dahil sa atin, sa krus ay namatay siya At Siya'ng tumanggap sa lahat ng parusa Kaya dapat na nating iwasan Ang pagmamataas na sa ating daigdigan Tayo'y magpakumbaba at magbigayan At sa isa't isa, tayo'y magmahalan Sa isa't isa, tayo'y magmahalan