Kishore Kumar Hits

Yoyoy Villame - Brunei Beauty lyrics

Artist: Yoyoy Villame

album: The Best Of Yoyoy Villame


Ang mommy ko noon ay isang brunei Beauty
And daddy ko naman ay ang kanyang ahente
Ako raw ay ibinuntis doon at doo'y ipinaglihi
Kaya ako'y kamukha raw ng prinsipe
Ngayon ang mommy ko'y nag edad na ng thirty
Siya'y retired na at hindi na raw pwede
Siya naman ngayon ang nag aahente
Upang matulungan rin ang ibang mga beauty
Brunei Beauty, Brunei Beauty
Sino ang may gustong mag Brunei Beauty
Brunei Beauty, Brunei Beauty
Aba'y dollar ang kikitain mo baby
Wala naman masama sa Brunei Beauty
Ipagyayabang ka lang at ididisplay
Pasusuutin ka ng bikini at taga payong ka ng prinsipe
Pwede kang taga manicure taga masahe
At taga suklay ng kayang bigote
Taga punas ng buong body at taga kamot ng kati
Minsa'y nagkagulo nagimbal at nabulabog ang ating bansa
Dahil sa brutal at matitinding ipinagkakalat na balita
Hanggang sa Senado'y nakakahiya
Ang tinanggap na paghihinala
Dalawang hapon daw ang nagtsismis
Si Kuro Kuro si Haka Haka
Ang gobyerno ng Brunei madatung mayamang mayaman
Mga pinay byuting nag-gagandahan
Ang kanilang naibigan
Pasensya munang mga bading doon ay di muna kailangan
Dahil and prinsipe raw nila roon ay kasi-circumcised lang
Pero ngayo'y ipinapatigil na ang pagpapadala
Ng mga Brunei Beauty sa airport ay hinaharang na
Kaya ang gingawa ng iba ngayo'y nag human smuggling na
Ipinupuslit ang iba sa may dulo ng Zamboanga

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists