Sa isipan ko'y ikaw ang s'yang gumugulo 'Di mo lang alam ang nararamdaman ko 'Pag ikaw ay nakikita, ako'y nilalamig na sa kaba At 'pag 'di ko napigilan, ako ay malulunod na sa saya 'Di ko na mapipigilan ang kaligayahan na aking nadarama 'Di ko na mapipigilan ang aking sarili na isipin ka 'Di ko na mapipigilan na ika'y iwasan at kalimutan ka 'Di ko na mapipigilan pa ang aking puso na ibigin ka ♪ Sa damdamin ko'y ikaw ang siyang ibinubulong Kung alam mo lang at ika'y magtatanong Ikaw ang pinapangarap at laging hinahanap ng mata At 'pag tayo'y nagkikita, ayoko nang mawalay pa, sinta 'Di ko na mapipigilan ang kaligayahan na aking nadarama 'Di ko na mapipigilan ang aking sarili na isipin ka 'Di ko na mapipigilan na ika'y iwasan at kalimutan ka 'Di ko na mapipigilan pa ang aking puso na ibigin ka ♪ Ikaw ang pinapangarap at laging hinahanap ng mata At 'pag tayo'y nagkikita, ayoko nang mawalay pa, sinta 'Di ko na mapipigilan ang kaligayahan na aking nadarama 'Di ko na mapipigilan ang aking sarili na isipin ka 'Di ko na mapipigilan na ika'y iwasan at kalimutan ka 'Di ko na mapipigilan pa ang aking puso na ibigin ka