Three, two, one
Tayong lahat ay may yaman na taglay
Dapat mapantay kahit na sumablay
'Di puwedeng matamlay kahit nakasaklay
Matutong mag-antay sa mga sinampay
Buhat ng kausapin ko ang aking pangarap
Kahit magtago ka nang mabuti'y aking mahahanap
Tinig ng batang probinsiyano ay mapalaganap
'Di ko man inakala na kahit na sa hinagap
Ay mapapakinggan kahit na minsan
Pagkakataon na ayaw kang bigyan
Ng panglamang tiyan, ulam sa pinggan
May humatak man sa likod, harap ang tingnan
Pero 'wag kalimutang magpasalamat sa 'yong mga nakatuwang
Kahit na makalamang, hindi mo kailangan pa na magmayabang
Kape man ay matabang, kahit hindi na mainit, inumin mo lang
Bituin sa langit na hindi mo pa bilang
Mga panaginip, sige, tuparin mo lang, pati pato
Tara sa panibagong kanta at makisalo
Panalo at lalong malasa 'pag hinalo
Ang mga barang patok at pamihadong
Uulit-ulit-ulitin upang makabisado
Ang mga salita mo, laging asintado
Dito sa laro, hindi man laging sigurado
Dapat itaya mo kahit pa dehado
'Todo mo na ang iyong panabla pati pato
Nagsimula kami, wala akong pera
Baon kami sa utang kahit na Atenista
Wala akong talento, hindi rin ako guwapo
Pero 'tang ina nila, 'di ako nagpatalo
Bakit ko papansinin kung sa'n sila lamang?
Tututukan ko na lang kung sa'n ko kayang galingan
Hindi patas ang laban, pero sandali lang
Wala naman nagsabi na pantay-pantay ang ating dadaanan
Iba't ibang hagdanan
Ang importante ay tuloy-tuloy ang paghakbang
Basagin ang mga hadlang, 'wag mong gamiting dahilan
Kapag mayro'ng gusto, palaging mayro'ng paraan
Tandaan mo lang, kailangan nating galingan
'Pag mayro'n kang pangarap, 'wag na 'wag mong papakawalan
Lalo na kung mayro'n kang kakaibang aabutin
Dapat handa kang paghirapan, ano man ang harapin, tsong
Tara sa panibagong kanta at makisalo
Panalo at lalong malasa 'pag hinalo
Ang mga barang patok at pamihadong
Uulit-ulit-ulitin upang makabisado
Ang mga salita mo, laging asintado
Dito sa laro, hindi man laging sigurado
Dapat itaya mo kahit pa dehado
'Todo mo na ang iyong panabla pati pato
Tinapat ang salamin, tinanong kung para saan ka pa ba nand'yan
Dumaan sa ganito't ganyang hadlang hanggang nakaramdam
Ng pagod mabigo, tumino, saktan, na nagtulak sa 'kin alamin
Ang kaya pa marating ng sulatan at kada hinaing
Lalong gumaling no'ng 'kala mo napuruhan sa
Murang gulang, 'di masukat ang kamalayang sungay
Papanuwag sa 'di makataong mundo, nakakaumay na
Lumipad habang may buhay, gamit husay, sama na gulay, uh!
Tsob, tsa, tagilid (akin, sa pamatong utak-damdamin)
Sa'n man dalhin ng maduming hangin
May baong bara't dasaling panawid sa madugo n'yong pain
Ang panahong 'to sa 'kin, amin, kabig
Pati pato, halata na 'di malabo para linawin
Natural nang may doble kara, anomang mundo ang lakaran
Buti na lang ay sanay ako sa gubat-ahas, kalat lamang
Limitasyon na walang hangganan ang dala hanggang sa dulo
Sige, matawa habang may ulo ka pa sa mata ko, tara
Tara sa panibagong kanta at makisalo
Panalo at lalong malasa 'pag hinalo
Ang mga barang patok at pamihadong
Uulit-ulit-ulitin upang makabisado
Ang mga salita mo, laging asintado
Dito sa laro, hindi man laging sigurado
Dapat itaya mo kahit pa dehado
'Todo mo na ang iyong panabla pati pato
Поcмотреть все песни артиста