'Di ba't sinabi mo sa 'kin dati Na mahirap kumain ng tsokolateng Natunaw at parang wala nang korte? Kadiri nang kainin, mukha nang tae Ewan ko ba kung bakit mahirap ibalik Sa original na hugis 'pag nalusaw na sa init Parang tiwala, 'pag nasira na Mahirap nang ayusin pa 'Di kayang ipagdikit ang tiwala 'pag napunit Parang nangyari kailan lang Mayro'n akong nakitang nakatagong regalo Sa likod ng kotse mo Hugis puso na kahon at may red na ribbon Mamahaling Toblerone at no'ng aking tignan "Para sa 'yo, mula kay Christian" Agad kong binuksan, tsokolate ang laman At 'di ko malaman kung ba't kailangan Itago sa akin ang katotohanan? Ang dami-dami mo palang tsokolate Hindi ka man lamang nagsasalita Ewan ko ba kung bakit hindi ko napigilan Ang regalo mo'y naubos ko nang 'di ko nalalaman Parang tiwala, 'pag naubos na Bigla-biglaan talaga Mahirap nang makita kapag minsa'y nawala At kahit na pilitin, 'di mo na mapapalitan Kahit hanap-hanapin, 'di mo na mababalikan Kahit sabihin natin na ika'y napagbigyan, 'wag na lang ♪ Ewan ko ba kung bakit mahirap tanggalin ang tsokolate 'Pag natunaw at kumapit na sa ngipin Parang tiwala, 'pag namantsahan na Mahirap nang linisin pa, 'di kayang burahin Kahit na ano'ng gawin Parang tiwala, parang tiwala Parang tiwala, parang tiwala Parang tiwala, parang tiwala