Heto na ang mga officials ng barkada Kanya-kanyang kalokohan, bawat bida Mayro'ng medyo praning, mayro'n din ang antukin Kumpleto sa rekado ang barkada namin Pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana Kahit pinanggalingan namin ay iba-iba Walang pakialam kung sa'n mapadaan Basta't sabay-sabay kaming nagtatawanan Basta nand'yan ang bawat miyembro ng tropa (miyembro ng tropa) Ang kalokohan ay hindi mawawala ('di mawawala) Hindi na dapat pinag-iisipan pa Lahat tayo ay dapat magsaya Musmos pa lang, magkakasama na kami Nagkasundo kahit iba't iba'ng ugali Ganyan lang talaga sa 'ming munting barkada Kasa-kasama mo sa hirap at ginhawa Magkasabay mula sa pagsikat ng araw Magkasama hanggang daigdig ay magunaw Sa dami-dami ng aming napagdaanan Walang tatalo sa aming pinagsamahan Basta nand'yan ang bawat miyembro ng tropa (miyembro ng tropa) Ang kalokohan ay hindi mawawala ('di mawawala) Hindi na dapat pinag-iisipan pa Lahat tayo ay dapat magsaya 'Di na yata magsasawa sa 'ming pagsasama-sama At sa aming barkada, asahan na hindi mawawala Ang kalokohan at ang walang tigil na tawanan Sapagkat ang bawat kabarkada namin ay sadyang ganyan