Kishore Kumar Hits

Kamikazee - K.K.K. lyrics

Artist: Kamikazee

album: Maharot


Sir, baka pwede nating pag-usapan
Ang aking kasalanan, baka pwedeng kalimutan
Sa bawat sulok ng aming lipunan
Dito, halos lahat nababayaran
Pabor kay ganito, pabor kay ganyan
Kapalit ng tulong nagpatong na utang
Pagdating ng singilan, utang na loob ang kabayaran
Nasaan na ang mga bayani?
Tuluyan na silang nabaon sa nakaraan
Pagtangis ng aming bayan
Dama ng aming kalooban
Pelikula't politika tila iisa
Matira ang matibay, karnabal na sistema
Lahat gustong bumida, magpaikot ng istorya
Sa aming paningin lahat ay kontrabida
Nauulol, tumatahol, bumubula ang laway
Lumalabas ang pangil, tumutubo ang sungay
Espadahan ng salita, sino ang kawawa?
Lahat daw sila ay tama, lahat kami kawawa
Naturingan kang may pinag-aralan
Ngunit bakit ikaw ang dahilan ng kaguluhan?
Nais lang ni Juan mabuhay ng karaniwan
May kasaganahan at bubong na masisilungan
Para saan ang sinumpaan kung babaliin din naman?
Masakit isipin nabababoy ang bayan na kinalakihan
Nilagay mo ang kamay sa tapat ng yong puso
Sabay sabi mo pa ang mamatay ng dahil sa 'yo
Pagtangis ng aming bayan
Dama ng aming kalooban
Pelikula't politika tila iisa
Matira ang matibay, karnabal na sistema
Lahat gustong bumida, magpaikot ng istorya
Sa aming paningin lahat ay kontrabida
Nauulol, tumatahol, bumubula ang laway
Lumalabas ang pangil, tumutubo ang sungay
Espadahan ng salita, sino ang kawawa?
Lahat daw sila ay tama, lahat kami kawawa

Ang sarap takasan ng kanilang pagbubulag-bulagan
Ang sarap takasan ng kanilang pagbubulag-bulagan
Ang sarap takasan ng kanilang pagbubulag-bulagan
Pero ang katotohanan
Masasagip ka ba?
Masasagip ka ba?
Masasagip ka ba?

Pelikula't politika tila iisa
Matira ang matibay, karnabal na sistema
Lahat gustong bumida, magpaikot ng istorya
Sa aming paningin lahat ay kontrabida
Nauulol, tumatahol, bumubula ang laway
Lumalabas ang pangil, tumutubo ang sungay
Espadahan ng salita, sino ang kawawa?
Lahat daw sila ay tama, lahat kami kawawa

Ah, magandang umaga po, dito po ba nakatira si Jackolyn Maghapon?
Oo, ako 'yon
Kayo po ba asawa ni Pepeng Maghapon?
Oo, ako ulit 'yon
Ah, may voice tape po s'ya na ipinadala, eto po, pakipirmahan na lang po
Ay, talaga? Ipe-play ko na 'to
Ah, hello, hello, ah, hello Jackolyn, kamusta na?
Si Pepe 'to, as usual, nalulungkot ako, na-ho-home sex na nga ako, eh
Joke lang, home sick lang ako, ah, tagal na rin nating 'di nagkita, noh?
Mahirap dito 'pag gabi, sobrang lamig, 'pag umaga, sobrang init
Alam mo naman 'pag giniginaw ako, eh, ikaw lang iniisip ko, eh
Wala 'kong nasa isip kundi Jackolyn, eh, Jackolyn, Jackolyn, Jackolyn
Minsan, ah, 'yung mga balat ko, talagang nakikiskis ko na lang para uminit, eh
Kamusta na si Rudy Boy, anak natin, mahina pa rin ba sa arithmetic?
Sa 'yo kasi nagmana 'yung batang 'yon, eh
Kung sa 'kin lang, eh 'di sana inhinyero na rin 'yan
Natanggap mo ba 'yung padala kong, ah, package?
'Yung may mga carpet 'tsaka mga jacket na makakapal
Diyos ko, no'ng nakita ko 'yung sky blue, talagang naisip ko 'yung junior natin, eh
Bagay na bagay sa kanya 'yong jacket na 'yon
Sila Inay, sila Itay, napapadalhan mo ba?
'Yung bakahan natin sa baka napabayaan na
Balita ko nagkaroon ng hurricane do'n sa Batangas, eh
Hay nako, alam mo ba, kahapon, kalalabas ko lang ng kulungan?
Hindi ko na itinawag sa 'yo kasi baka mag-worry ka, eh
Ayaw kong nag-wo-worry ka, eh, baka mamaya malungkot ka, mag-iinom ka nanam...
Ay kinain

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists