Dalawa kayo sa buhay ko At ako ngayon ay kailangan nang mamili Isa lang ang maaari Alam mong narito ako Lagi para sa iyo Mahal kita nang labis Ngunit iba ang 'yong nais At s'ya'y narito Alay sa 'kin wagas na pag-ibig Nalilito-litong-litong-lito Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko O s'ya bang kumakatok sa puso ko? Oh, ano'ng paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Nalilito-litong-litong-lito Sino'ng pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako, oh Kahit 'di ako ang mahal mo Kung mananatili ako sa 'yo Ay baka matutunan mo rin Na ako'y iyong ibigin At kung sadyang s'ya'y tapat Baka sakaling pagdaan ng araw Matutunan ko rin ang ibigin s'ya Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko O s'ya bang kumakatok sa puso ko? Oh, ano'ng paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Nalilito-litong-litong-lito Sino'ng pipiliin ko? Ang nais ko ay maranasan ang umibig At masuklian din ng pag-ibig Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko O s'ya ba? Oh, ano'ng paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Nalilito-litong-litong-litong Litong-litong-lito Sino'ng pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako