Atras-abante, hindi ko maintindihan Minsan kampante, bigla nalang mawiwindang Paulit-ulit lang buong maghapon para lang nakakahon Pawang nagtapon, naubos lang ang panahon At nang tinawag mo Inawat mo ang ikot ng mundo Niyakap mo't binago ang pulso Hindi mapipigilan ng daluyong Hindi mababagabag ng dagundong Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal S'yang nararapat sa puso kong napapagal Lahat ay kakayanin kong daanan Kayang-kayang lampasan Walang hangganan Ngayon at magpakailanman 'Pagkat tinawag mo Inawat mo ang ikot ng mundo Niyakap mo't binago ang pulso Hindi matatawaran ang pangarap Hindi mababawasan ang lagablab Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo 'Di ko kaya pag wala ka, h'wag na Sa piling mo ay may pag-asa Sa piling mo walang iba Hindi mapipigilan ng daluyong Hindi mababagabag ng dagundong Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo Hindi matatawaran ang pangarap Hindi mababawasan ang lagablab Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal