Kishore Kumar Hits

Asin - Ang Bayan Kong Sinilangan lyrics

Artist: Asin

album: Re-Issue Series: Asin


Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasinggulo ng tao, kasinggulo ng mundo
Dahil 'di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo

Ang bayan ko sa Cotabato, kasinggulo ng isip ko
'Di alam kung saan nanggaling, 'di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, 'di ko alam ang dahilan ng gulo

Bakit nagkagano'n ang sagot sa tanong ko?
Bakit kayo nag-away? Bakit kayo nagkagulo?
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, 'di sana magulo ang bayan ko
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo
Ang gulo

Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong niyo
Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban? Magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo?
Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko?

Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin, katulad mo
Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo?)
Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos?)
Sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo?)
Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino)
Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo?)
Ang gulo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists