Kishore Kumar Hits

Freddie Aguilar - Problema Na Naman lyrics

Artist: Freddie Aguilar

album: SCE: Anak


Problema na naman
Suyang-suya na ako
Nananakit na ang tainga ko
Sa kaseselos mo
Problema na naman
Lagi kang nakabantay
Wala ka nang patawad giliw
Maging sa kaibigan
Ako'y umaalis ng bahay upang kumayod
Maghapong nasa gawain, sangkaterba ang pagod
Pagdating ko sa inyo, tuhod ko'y nangangatog
Sa tuwing kita'y dinadalaw, ngiti mo ay manggang hilaw, mukha mo'y nakasimangot, oh
Problema na naman
Lagi na lamang ganyan
Sadyang wala na bang katapusan?
Ang hirap mo sa buhay
Kapag tayo'y namamasyal, lagi kang nangungurot
Kapag mayro'n akong natitigan, puso mo'y nadudurog
Sadyang mahal kitang tunay, 'yan ay hindi ko malilimot
Ngunit kapag laging ganyan palagi kang nang-aasar, ako'y nabubugnot
Oh, problema na naman
Suyang-suya na ako
Nananakit na ang tainga ko
Sa kaseselos mo
Problema na naman
Lagi na lamang ganyan
Sadyang wala na bang katapusan?
Ang hirap mo sa buhay
Sadyang wala na bang katapusan?
Ang hirap mo sa buhay, ah, ah, ay
Problema na naman, oh
Problema na naman
Lagi na lamang ganyan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists