Katulad mo'y isang batis na kay linis ♪ Sa pag-ibig, ang puso'y walang kaparis Huwaran ka ng tunay na pag-ibig Araw-gabi, ikaw ang aking pangarap ♪ Na makamit ang puso mong walang katulad Sana'y maging dapat ang aking pagliyag 'Di ko malaman ang aking gagawin 'Pag 'di ko nasilayan kahit saglit man lang Ang mukha mong kay gandang pagmasdan ♪ Sa tuwinang kita'y aking namamasdan ♪ Puso ko'y nalulunod sa labis na kaligayahan ♪ Nagbibigay-kulay sa aking nagdaan Kailan kaya makakamtan yaring pagmamahal? ♪ Labis na ang hirap ng puso kong nauuhaw ♪ Sa labis na pag-ibig sa 'yo, aking mahal 'Di ko malaman ang aking gagawin 'Pag 'di ko nasilayan kahit saglit man lang Ang mukha mong kay gandang pagmasdan