'Di mo na inisip ang sarili 'Di mo na inisip ang kalagayan Pinabayaan mo ang mga araw Na lumipas ng walang nangyayari Ibinuhos mo ang iyong oras Sa walang kwentang bagay Nalimutan mo ang tungkulin Sa iyong mahal na sarili Malayo na sana ang iyong narating ♪ Labis na nahulog ang damdamin Sa bisyo, ikaw ay nahumaling Kay tagal-tagal mo ding nahimbing Oras na para ika'y magising Ang landas mo'y ituwid mo na Bago ito maging huli Limutin mo ang mga bagay na sa iyo'y 'di makabubuti Magsikap ka't makakamit ang tagumpay ♪ Labis na nahulog ang damdamin Sa bisyo, ikaw ay nahumaling Kay tagal-tagal mo ding nahimbing Oras na para ika'y magising Ang landas mo'y ituwid mo na Bago ito maging huli Limutin mo ang mga bagay na sa iyo'y 'di makabubuti Magsikap ka't makakamit ang tagumpay