Anak-pawis ang tawag sa akin Ako raw ay basahan Dahil ba ako'y mahirap lang Kaya ako ginaganito? Tingin sa akin ay hindi tao Pinaparis sa isang basahan Madalas akong alipustahin 'Pagkat ako'y anak-pawis lang 'Di man lang nila iniisip Na ako ay nasasaktan Sana ay buksan ninyo Ang nadidimlang isipan Mahalin sana ang inyong kapuwa Pang-aapi'y inyong limutin ♪ Minsan ako'y naglalakad Lumang gitara ko'y tangan Ako'y kanilang ipinagtulakan Pulubi daw ay 'di nila kailangan 'Di ko sila maintindihan Ba't ako'y ginaganito? Dahil ba ako'y mahirap lang Anak-pawis kung ako'y turingan? Sana ay buksan ninyo Ang nadidimlang isipan Mahalin sana ang inyong kapuwa Pang-aapi'y inyong limutin ♪ Sana ay buksan ninyo Ang nadidimlang isipan Mahalin sana ang inyong kapuwa Pang-aapi'y inyong limutin Sana ay buksan ninyo Ang nadidimlang isipan Mahalin sana ang inyong kapuwa Pang-aapi'y inyong limutin Sana ay buksan ninyo Ang nadidimlang isipan Mahalin sana ang inyong kapuwa Pang-aapi'y inyong limutin