Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot, umiiyak Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa? Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n'ya? Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan? 'Di ba't ang batas natin, pantay-pantay, walang mahirap, mayaman? Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan? Mga ilang araw na lamang, haharapin na n'ya ang bitayan Paano n'ya isisigaw na s'ya'y sadyang walang kasalanan? Tanging ang Diyos lamang ang s'yang saksi at s'yang nakakaalam Diyos na rin ang s'yang bahalang maningil kung sino'ng may kasalanan Dumating na ang araw, haharapin na n'ya, kanyang kamatayan Sa isang upuang bakal na kay dami nang buhay na inutang Oh, ang batas ng tao, kung minsan ay 'di mo maintindihan Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan?