Naiiyak ako sa aking nakita kaibigan Ang mga bata sa Negros ay kumukulo ang tiyan Wala silang makain, ang gutom tinitiis na lang May mga pinanawan ng buhay dahil sa kagutuman Sila ba'y panonoorin lang kababayan Pabayaan bang sila'y mangamatay sa kagutuman Alam kong marami pang mabubuting mamamayan Ang mga puso nati'y buksan, sila ay tulungan Sagipin natin mga bata sa Negros Ikaw at ako tayo ang tutubos Sino pa ang tutulong kundi tayo Sila ay kapatid natin kabayan ko Tayo na kasama ko habang mayroon pang panahon Pagtulung-tulungan natin nang sila'y makaahon Sa kuko ng kamatayan na dulot nitong gutom Ang mga bata sa Negros ay ating sagipin Sagipin natin mga bata sa Negros Ikaw at ako tayo ang tutubos Sino pa ang tutulong kundi tayo Sila ay kapatid natin kabayan ko Sagipin natin mga bata sa Negros Ikaw at ako tayo ang tutubos Sino pa ang tutulong kundi tayo Sila ay kapatid natin kabayan ko Sagipin natin mga bata sa Negros Ikaw at ako tayo ang tutubos Sino pa ang tutulong kundi tayo Sila ay kapatid natin kabayan ko ohh hmm