Nung isang araw sa may tapat ng pintuan May isang mama at may dala siyang sulat Nang basahin ko humihingi siya ng tulong Dahil daw sa kanyang anak na maysakit Siya'y amoy-alak, mata'y namumula Kaya daw naglasing, dahil sa problema Sa awa ko, dinukot ko ang piso sa bulsa Ang sabi niya, ay mama kulang dagdagan pa Kaya ako dumukot ng sampo dinagdagan Siya nama'y nakangiti at biglang lumisan Siya'y sinundan ko, di n'ya nalalaman At siya'y nakita kong pumasok sa ihaw-ihaw Ako'y lumapit sa kanya At siya ay nabigla Para bang nakakita ng multo ang mama Oh ilan kaya ang tulad ng taong ito? May dalang sulat upang manloko ng kapwa Pag nakita n'yo, itong taong ito Mag-ingat kayo Baka kayo'y maloko Pag nakita n'yo, itong taong ito Mag-ingat kayo Baka kayo'y maloko