Kishore Kumar Hits

Freddie Aguilar - Pangako lyrics

Artist: Freddie Aguilar

album: Collection


Saan ang pangako mong pagbabago ng paligid?
Nasaan ang pag-unlad ng kabuhayan?
Kay sarap pakinggan ng kay haba mong talumpati
Ngayon ay 'di ka na makausap
Naro'n ka sa 'yong palasyo at nagtatago
Napapaligiran ng mga guwardiya
Mga daing ng bayan ay 'di mo naririnig
Dahil ba sa kalansing ng pera?
Palagi kang laman ng diyaryo, may kasamang dayuhan
Mga kabayan mo'y nalimot na
Kumukulo na ang tiyan at halos 'di na makahinga
Ikaw nama'y nakangiti sa kamera
Naro'n ka sa 'yong palasyo at nagtatago
Napapaligiran ng mga guwardiya
Mga daing ng bayan ay 'di mo naririnig
Dahil ba sa kalansing ng pera?
Nasaan ang 'yong mga pangako?
Sa hirap, bayan ay mahahango
Nasaan? Nasaan?
Itong mga mamamayan, baon na sa mga utang
Ito ba ang pangakong kaunlaran?
Nasaan ang 'yong mga pangako?
Sa hirap, bayan ay mahahango
Nasaan? Nasaan?
Naro'n ka sa 'yong palasyo at nagtatago
Napapaligiran ng mga guwardiya
Mga daing ng bayan ay 'di mo naririnig
Dahil ba sa kalansing ng pera?
Nasaan ang 'yong mga pangako?
Sa hirap, bayan ay mahahango
Nasaan? Nasaan?
Nasaan ang 'yong mga pangako?
Sa hirap, bayan ay mahahango
Nasaan? Nasaan?
Nasaan?

Nasaan?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists